Thursday, February 13, 2014



Happy V-day ,everyone ! 
A red velvet cupcake from SWEET TREATS (by:judygatchalian)
sweet tooth indulgence? follow her on IG : @judygatchalian for more inquiries 
Thank you !    

Saturday, November 16, 2013

PASKONG PINOY





Walang bagyo o kahit ano pa mang unos ang magpapabagsak sa diwa ng bawat Pinoy. Mayroon mang dalumhati't pighati sa bawat puso namin ngayon , hindi ibig sabihin nito na hindi na muling guguhit ang ngiti sa aming mga labi. Sabi nga , hindi naman laging nasisilayan na sumisikat ang araw sa umaga , hindi naman laging nasisilayan ang ganda ng buwan sa gabi , hindi naman laging nasisislayan ang kinang ng mga bituin sa kalangitan. Pero hindi ibig sabihin nito na hindi na kailan man masisilayan ang ganda ng mga ito -- ang ganda ng liwanag at dilim ng mundo. Sa bawat umaga mayroong bagong pag asa , sa bawat hugot ng hininga mayroong tatag ng loob na nahuhugot. Lubos po kaming nagpapasalamat sa lahat ng mabubuting puso na nag abot ng kanilang maawaing  kamay na kaloob ng Diyos para tumulong sa amin. Sabay-sabay kaming babangon , sabay-sabay kaming aahon mula sa putik ,magpapagpag ng dumi at muling guguhit ng bagong ngiti . Hindi lang materyal na tulong ang inyo pong naihatid sa amin , kalakip din nito ang pag-asa , pagmamahal , at paalala na hindi kami nag iisa sa pagsubok na ito . Maraming salamat ,kaibigan --maraming maraming salamat ! Ngayong darating na Pasko , kasama ng pasasalamat sa ating Panginoon ang pag alala sa inyong mabubuting puso na hindi kami kinalumutan sa oras ng matinding pangangailangan. Muli , maraming maraming salamat po!